Bawal Judgemental Bill, inihain sa Kamara

Isinulong ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña na itigil ang pagpapatupad ng dress code sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Nakapaloob ito sa inihain ni Cendaña na House Bill 11078 o panukalang Open Door Policy Act na maaari ding tawagin na ‘Bawal Judgemental’ Bill.

Layunin ng panukala na mabigyan ng kalayaan ang mga mahihirap na makapasok sa mga government establishments para mag-asikaso ng kailangan nilang transaksyon.


Giit ni Cendaña ang pagpapatupad ng dress code ay maituturing na diskriminasyon sa mga mahihirap nating mga kababayan at sa mga nasa hanay ng indigenous communities.

Facebook Comments