BAWAL | Live coverage, ipagbabawal ng Korte Suprema sa oath-taking ceremony ng mga bagong abogado

Manila, Philippines – Mahigpit na ipagbabawal ng Korte Suprema ang live coverage bukas sa oath-taking ceremonies bukas ng mga nakapasa sa 2017 Bar Examination.

Ayon sa Supreme Court, ikinukunsidera kasing en banc session ang naturang seremonya kaya bawal ang live coverage ng media.

Mahigpit ding nagpa alala ang Korte Suprema sa proper decorum ng 2017 Bar passers at sa mga dadalo sa oath-taking


Ayon kay 2017 Bar Examinations Committee Chair Justice Lucas Bersamin, mahaharap sa contempt of court ang sino mang mambubulabog sa kasagsagan ng seremonya.

Ang mahuhuli ring bar passer ay otomatikong hindi na pasasalihin sa seremonya.

1,724 ang kabuuang mga bagong abogado na manunumpa bukas sa PICC, Pasay City.

Facebook Comments