Muling nagpaalala ang Comelec Maguindanao sa lahat ng mga kumakandidato sa lokal na posisyon na makiisa sa kampanya ng Comelec para na rin sa katiwasayan sa mga araw ng pangangampanya maging sa araw ng eleksyon.
Mariin ring inihayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Ernie Palanan na ikabit lamang sa mga common poster areas ang kanilang mga campaign materials, bawal na bawal aniyang ikabit ang mga ito sa mga punong kahoy.
Alinsunod sa Section 18, paragraph a. at b. ng COMELEC Resolution No. 10294 (2018), ipinagbabawal ang pagkakabit ng campaign materials sa mga puno at iba pang lugar maliban sa mga itinalagang “common poster areas”.
Ang sinumang mapapatunayang lalabag ay maaring patawan ng parusa sa ilalim ng kautusang nabanggit at sampahan ng kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act No. 3571.
Bukod sa mga kandidato, pinaalalalahanan din ng Comelec ang mga supporters ng mga ito na maging mahinahon sa panahon ng pangangampanya.
Umaasa naman si Atty. Palanan na makikiisa sa kanilang guidelines ang lahat para magiging maayos ang buong panahon ng Eleksyon sa lalawigan. Labing apat namang mga bayan mula sa 36 na munisipyo sa Maguindanao ay walang kalaban sa halalan.
Bawal magkabit ng POSTERS/TARP sa mga Puno- COMELEC
Facebook Comments