BAWAL | Maiingay na Muffler sa Dagupan bawal na!

Dagupan City – Inaksyunan ng PNP Dagupan City ang pagsugpo ng mgamaiingay na muffler na nakaka-istorbo sa mga ibang residente o motorista sa siyudad.

Mahigit 20 motorista na ang nahuli sa Dagupan City ngayongbuwan dahil sa paglabag sa Senate bill 1195 o mas kilala bilang Muffler Act of 2016. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng maingay namuffler dahil ito’y nakakaapekto o nakakadagdag sa Noise pollution.

Ayon kay Police Inspector Enrique Columbino, “ang dapat huliinay ang mga gumagawa ng muffler, dahil walang gagamit kung walanggumagawa”.


Dagdag ng PNP Dagupan ang lahat ng mahuli na lumabag ay maaring magmulta at makumpiska ang nasabing muffler.

Ulat nina Janzel V. Omagtang and Jeremie F. Escat

Facebook Comments