BAWAL! | Makikiuso sa trending na dance challenge, huhulihin ng MMDA

Manila, Philippines — Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga nagpaplanong subukan ang viral ngayon sa social media na #InMyFeelings dance challenge.

Ayon kay MMDA Special Operations Group na si Bong Nebrija, labag sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act ang pagsagawa ng #InMyFeelings challenge.

Sa challenge, lumalabas ang kinukuhanan ng video sa isang gumagalaw na sasakyan at sasayaw sa hit song na “In My Feelings” ng rapper na si Drake.


Sa ilang video makikitang may nasasagasaan o nahuhulog sa kanilang mga sasakyan habang ginagawa ang nasabing dance challenge.

Facebook Comments