Manila, Philippines – Pitong mga paputok ang pinangalanan ng Philippine National Police na bawal gamitin sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid na batay sa Executive Order number 28 bawal gamitin nang sinuman ang paputok na Picolo, Super lolo, Whistle Bomb, Goodbye earth, Atomic big triangulo, Judas Belt at Watusi.
Sinabi pa ni Madrid na sinumang mahuhuling gagamit nito ay tiyak na aarestuhin.
Batay sa pinakahuling ulat ng PNP anim na sibilyan na ang kanilang nahuling nagbebenta ng iligal na paputok isa rito ay nahuli ng Police Regional Office 1, lima ay nahuli ng PRO5.
Patuloy namang pinaghahanap ang 3 pang sibilyan, 2 ay sa region 2 at isa ay sa ARMM.
Paliwanag pa ni Madrid na batay sa EO 28 ang mga local government units ang nakatalagang mag-designate o pumili ng mga lugar para sa community fireworks display zone at firecrackers zone.
Layon naman nitong matiyak na ligtas ang lahat para sa pagsalubong ng bagong taon.