BAWAL ANG MAKALAT DITO, yan ang mahigpit na ipinatutupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Binalonan sa kanilang bayan.
Naglabas kasi ng ordinansa ang LGU sa kanilang official facebook page kung saan nakasaad doon na kailangang sumunod ng mga kababayan nila sa Municipal Ordinance No. 2011-02, isang ordinansang nagbabawal sa mga ito sa pagtatapon, pag-ihi, at pagdumi sa anumang pampublikong lugar na nasasakupan ng munisipyo at nagbibigay ng mga parusa sa paglabag sa probisyon nito.
Ipinagbabawal sa sinuman at lahat ng tao sa bayan na magtapon ng basura, umihi, dumumi, at dumura sa mga pampublikong lugar lalo na sa kanilang public plaza, rock garden, at sa public market site, sa kahabaan ng Tavera Street, McKinley Street, Arellano Street.
Ang sinumang lalabag sa ordinansang inilabas lalo na sa mga lugar na nabanggit ay pagmumultahin kung saan sa first offense, may kaakibat na Php 300.00 o limang oras na community service, second offense na may multang Php 500.00 o isang araw na community service, at sa third offense na may multang P 1,500.00 o tatlong araw na community service. |ifmnews
Facebook Comments