BAWAL NA PAGMAMANEHO NG MGA MENOR DE EDAD SA SAN NICOLAS, IGINIIT

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang mahigpit na pagbabawal sa mga menor de edad na magmaneho ng mga sasakyan.

Sa ilalim ng batas, nakasaad ang tamang regulasyon ng sa pagmamaneho kung saan hindi maaaring magmaneho ang mga edad 18 taon pababa kahit pa may sariling sasakyan.

Ito ay bilang pagpapanatili sa kaligtasan sa kalsada at maiwasan ang kaso ng aksidente na posibleng kasangkutan ng mga kabataan.

Maaaring makaapekto ang kakulangan sa karanasan at responsibilidad ng mga menor de edad sa kaligtasan sa gitna ng kakalsadahan.

May karampatang multa at parusa naman ang sino man susuway at pagkakaroon ng pagsisiyasat sa mga magulang o tagapag-alaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments