BAWAL NA PAGTATAYO NG MGA ILLEGAL FISHPENS SA ILOG SA DAGUPAN CITY, MULING IGINIIT

Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang mahigpit na pagbabawal sa pagtatayo ng mga iligal na istraktura ng fish pens sa kailugang sakop nito.

Kahit pa may sama ng panahon ay patuloy ang pagtutok at pagbabantay ng City Agriculture office kasama ang Bantay ilog sa bahagi ng Pantal River upang matiyak na ang sakop na ilog ay hindi pinamumugaran ng mga illegal fishpens.

Iginiit ni Mayor Belen Fernandez sa social media post nito ang No Ala Aquaculture Lease Agreement Permit, No Installation na patakaran na dapat sundin ng mga nais magtayo ng fishpen sa sa nasabing ilog.

Lahat ng istraktura na walang permit ay agad na ide-demolish habang haharap sa kaukulang parusa ang mga lalabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments