BAWAL NA | Paninigarilyo, ipagbabawal na ng PEZA

Ipinagbabawal na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang paninigarilyo sa lahat ng economic zone sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni PEZA Director General Charito Plaza sa paglulunsad ng smoke free program sa Baguio City Economic Zone Authority (BCEZA) na may nationwide slogan na “Revolution Smoke-Free.”

Itinataguyod naman ni Plaza sa business zone ang healthier work places para sa kanilang mga empleyado dahil sa paraang ito raw maipakikita na concern ang PEZA sa kalusugan at kapakanan ng mga empleyado, kanilang pamilya at sa buong bansa.


Sa kaugnayan, ang task force ay mayroong deputized agents, kabilang na ang mga lola, upang ipatupad ang ordinansa pababa hanggang sa barangay level.
Napili naman ang Baguio City na ditto ilunsad ang programa, dahil naaayon ito sa kampanya ng lungsod na unahin ang kalusugan ng publiko.

Sa kadahilanan din na ang Baguio City ay nagpasa ng ordinansa na “Smoke-Free Baguio” noong Mayo 2017 at bumuo ng isang task force upang ipatupad ang ordinansa sa buong lungsod.

Samantala, idineklarang smoke free at modelo ang Baguio City Economic Zone Authority (BCEZA).

Facebook Comments