BAWAL NA | Provincial buses ban sa EDSA, ipatutupad sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Ipatutupad ng MMDA sa August 1 ang pagbabawal ng provincial buses sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jose Arturo Garcia – ang northbound at southbound provincial buses ay bawal dumaan sa EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon City mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.

Sa July 24, mismong State of the Nation Address (sona) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isasagawa ang dry run nito.


Paglilinaw din ng MMDA na ang mga provincial buses na dumadaan sa edsa ay exempted sa number coding scheme.

Facebook Comments