BAWAL? | Rappler reporter, hindi nakapasok sa isang Presidential Event sa loob ng Malacañang

Manila, Philippines – Inaasahan na maglalabas ang opisyal pahayag o statement ang Palasyo ng Malacanang kaugnay sa pagbabawal na makapasok si Pia Ranada Robles ng Rappler na mag-cover sa mga Presidential Events sa loob at labas ng Malacañang.

Kanina lang ay pinagbawalan ng Presidential Security Group si Ranada na makapasok sa Malacañang para i-cover ang event ng Pangulo ngayong hapon kung saan haharapin nito ang Indian Chamber of Commerce officials.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa namamahala sa Malacanang na pagbawalan na makapasok o si Ranada.


Pero hindi pa rin naman malinaw ngayon kung ang pinagbabawalan lang ay si Ranada o lahat ng reporters ng Rappler na mag-cover sa mga Presidential Events.
Kaya naman sinabi ni Secretary Go na hintayin nalang ang ilalabas na official statement na ilalabas para maging malinaw ang usapin.
<#m_-7253829735484044820_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments