BAWAL SA BANYAGA | Pagsasagawa ng scientific exploration at pangingisda sa Philippine Rise, mahigpit na ipinagbabawal ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang mga banyaga na mapakangisda o magsagawa ng exploration sa Philippine Rise.

Ayon kay Pangulong Duterte, nagpadala na siya ng isang batalyon ng Philippine Marines para magbantay sa Philippine Rise na pag-aari ng bansa.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na hanggang walang pahintulot ay walang maaaring mangisda at magsagawa ng mga pag-aaral bukod sa mga Pilipino.


Nagbabala din di Pangulong Duterte na magkakagiyera kung mayroong banyaga na magtangka na pumasok sa Philippine Rise na nasa loob ng extended continental shelf ng bansa.

Facebook Comments