Bawal sa Panagbenga Parade 2019!

253

Baguio City, Philippines – Nagbabala ang mga Lokal na opisyal ng Baguio City at pati na rin ang mga organizers ng Panagbenga Festival sa mga national candidates at pati na rin sa kanilang mga supporters na hindi sila maaring mangampanya tuwing isinasagawa ang parada para masiguro ang kaayusan habang isinasagawa ang Flower Festival.

Nilinaw naman ni Mayor Mauricio Domogan na papayagan ang mga National Candidates na sumali sa Float at Street Dancing Parade pero hindi sila maaring umalis para makipag shake hands sa mga tao at hindi rin maaring mag distribute ng mga election paraphernalias.

Ayon naman kay Anthony De Leon ang General Manager ng Baguio City Country Club at ang Co-Chairman ng Panagbenga Organizing Committee na maaring mamigay ang mga supporters ng election paraphernalias pero pinaalalahanan nitong sana ay gawin ito sa maayos na paraan.

iDOL, may lalabag kayang mga politico sa parada?

Facebook Comments