BAWAL YAN! | Apat arestado sa pagsusugal sa Rosario, La Union

La Union – Arestado ang apat na tao kabilang ang isang lola matapos mahuling nagsusugal ng mahjong sa Barangay Vila Rosario, La Union.

Ayon sa Rosario Police Station, kabilang sa nahuli ang tatlong lalaki na nasa edad 46, 44 at 49 anyos habang nasa 60 ang edad ng lola na pawang hindi na pinangalanan at mga residente ng Poblacion East.

Kinumpiska ng mga otoridad sa mga ito ang isang set ng mahjong tiles at P500 na bet money na iba’t ibang denominasyon.


Ang nasabing operasyon ay bahagi pa rin ng patuloy na kampanya ng pulisiya laban sa iligal na sugal.

Facebook Comments