BAWAL YAN! | Comelec, nagbabala sa mga magpapaskil ng campaign posters sa mga ipinagbabawal na lugar

Manila, Philippines – Nagbabala ang Commission on Election o Comelec sa mga politikong magpapaskil ng campaign poster sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maituturing itong maagang pangangampaniya ng mga politkong nakapaghain na ng Certificate of Candidacy o COC.

Aniya, malinaw na paglabag ito at maaaring maging basehan ng reklamo laban sa politiko.


Kasabay nito, muli namang nagpaalala si Jimenez na huwag dikitan ng campaign poster ang mga puno at paligid ng mga sementeryo lalo at papalapit na ang undas.

Facebook Comments