BAWAL YAN! | Mga magkakalat ng basura sa Manila North Cemetery, huhulihin

30

Manila, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Manila North Cemetery na aarestuhin ang mga mahuhuling nagkakalat ng basura sa sementeryo ngayong Undas.

Ayon kay Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan, kasama ito sa kampanya ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pagkakalat ng basura sa lungsod.

Aniyam, mamo-monitor nila ito lalo at nadagdagan at 36 na ang mga CCTV sa sementeryo.

Nabatid na noong isang taon, 70 garbage truck ang kinailangan ng sementeryo para hakutin ang basurang iniwan ng mga bisita.

Facebook Comments