BAWAL YAN! | NCRPO, tututukan ang mga nagpapakalat ng bomb threats

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tinututukan nila ang mga natatanggap na ulat ukol sa bomb threats sa mga paaralan.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar – mananagot sa mga awtoridad ang mga mapapatunayang sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Paniniguro rin ni Eleazar – patuloy na reresponde ang mga pulis para matunton kung sino pa ang mga nasa likod ng mga sunud-sunod na bomb threat.


Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa mga natukoy na suspek na pawang mga estudyante.

Facebook Comments