BAWAS ABERYA | Spare parts ng mga tren ng MRT-3, darating na sa mga susunod na buwan

Manila, Philippines – Darating na sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ang spare parts na makatutulong sa pagbawas sa mga aberya ng Manila Rail Transit o MRT.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railway Timothy John Batan, sa Semana Santa na nila itinakda ang general maintenance ng MRT.

Gayunman, aminado si Batan na hindi pa nila maiakyat ang bilang ng mga bumibiyaheng tren sa dating 20 kaya ngayon ay nananatili pa rin ito sa 15.


Hindi rin aniya puwedeng patakbuhin ang mga bagong biling tren mula Tsina.

Sinabi pa ni Batan na nakikipag-usap na rin ang gobyerno sa Japan para sa pagbalik ng sumitomo bilang maintenance provider ng MRT matapos nilang putulin ang kontrata ng dating provider na Busan Universal Rail Inc.

Facebook Comments