BAWAS BASURA PROGRAM KAPALIT NG BIGAS, PALALAWIGIN PA SA UMINGAN

Ilang residente sa Barangay Amaronan at Barangay Lauren sa bayan ng Umingan, Pangasinan ang nakapagpalit ng mahigit 1,200 pirasong malilinis na juice packs kapalit ng 12 kilo ng bigas.

Ang inisyatiba ay bahagi ng kampanyang “Bawas Basura” ng bayan na naglalayong gawing kapaki-pakinabang ang mga basurang maaaring i-recycle.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bukod sa pagsulong ng kalinisan, nakatutulong din ito sa pagbibigay ng dagdag na pagkain sa mga pamilya.

Plano rin ng pamahalaang bayan na palawakin pa ang programa sa iba pang barangay ng Umingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments