Manila, Philippines – Magpapatupad ng big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ito’y matapos ang pitong sunud-sunod na oil price hike.
Nasa 1.25 – 1.45 pesos ang itatapyas sa kada litro ng diesel habang 1.10 – 1.20 pesos ang imumura sa gasolina.
Babawasan naman ng 90 – sentimos ang kada litro ng kerosene o gaas.
Ang oil price adjustment ay nakadepende sa galaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments