Manila, Philippines – Inaasahang maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng pormal na kautusan na tuluyang magsususpinde ng excise tax sa langis sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – sinang-ayunan ng Pangulo ang proposal ng kanyang economic team na suspendihin ang pagpataw ng dagdag na buwis sa ilalim ng TRAIN Law.
Beberipikahin naman ni Panelo kung itutuloy ang fuel tax suspension kahit hindi na hintayin na umabot sa $80 per barrel ang presyo ng krudo sa Dubai sa susunod na tatlong buwan.
Sa ilalim ng TRAIN Law, ipinatupad na nitong Enero ang ₱2.50 na dagdag buwis sa kada litro ng diesel at gasolina kung saan tataas ito sa ₱4.50 sa 2019 at ₱6 sa 2020.
Facebook Comments