Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 135 na layong ibaba ng 35% ang tariff rates ng imported na bigas mula sa kasalukuyang 40% para sa in-quota at 50% para sa out-quota.
Epektibo ito sa loob ng isang taon para makapag-augment ng suplay ng bigas sa merkado, mapalawak ang sources ng suplay nito at mamintena ang abot-kayang presyo.
Maliban dito, nilagdaan din ng Pangulo ang EO No. 134 na layong itaas ang taripa para sa imported pork products sa 10% para sa in-quota at 20% para sa out-quota para sa unang tatlong buwan.
Habang tataas pa ito sa 15% para sa in-quota at 25% para sa out-quota sa susunod pang apat hanggang 12 buwan.
Facebook Comments