BAWAS PRESYO | Rollback sa presyo ng gasul at fiesta gas, epektibo ngayong araw

Manila Philippines – Magkakaroon ng roll back sa presyo ng gasul at fiesta gas ngayong araw.

Sa anunsiyo ng kompanyang petron, mayroon silang P3.15 bawas sa kada kilo ng gasul at fiesta gas.

Babawasan din ng petron ng P1.75 ang presyo kada litro ng auto-Liquefied Petroleum Gas (LPG).


Habang nasa P3.15 din ang bawas ng Phoenix LPG Philippines sa kada kilo ng kanilang LPG.

Kasama ang Value Added Tax, nasa P3.18 naman ang itatapyas ng solane sa presyo ng LPG.

Facebook Comments