Bawas presyo sa antigen at RT-PCR test, pinaplantsa na ng DTI

Inaayos na ng Department of Trade and Industry (DTI) pagtapyas sa presyo ng antigen at RT-PCR test.

Ayon kay DTI USec. Ruth Castelo, nasa P200 hanggang P300 ang inaasahang ibababa sa presyo ng antigen test mula sa dating ₱900.

Habang ang presyo naman ng RT-PCR ay inaayos pa dahil marami pa ang dapat ikonsidera para sa final computation.


Nabatid na maari nang mabili ang COVID self-test kits sa ilang botika pero kailangan pa rin ang doctor’s prescription.

Samantala, wala pa ring inilalabas na suggested retail price (SRP) ang DTI para sa mga COVID self test kits dahil dalawa pa lamang ang aprubadong brands nito.

Facebook Comments