Bawas-presyo sa diesel, posibleng umabot sa higit ₱4

Lumaki pa ang aasahang rollback sa petrolyo ng mga motorista sa darating na linggo.

Batay sa naging oil trading mula November 21 hanggang 25, posibleng maglaro sa

₱3.90 hanggang ₱4.20 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng diesel.


Habang ₱1.20 hanggang ₱1.50 naman ang posibleng tapyas sa gasolina.

May ₱2.20 hanggang ₱2.40 rin na rollback sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang panibagong bawas-presyo ay bunsod ng tumataas na namang kaso ng COVID-19 sa China, mas mataas na imbentaryo ng krudo sa Amerika at price cap na ipinataw sa langis ng Russia.



Facebook Comments