Bawas presyo sa langis, ipatutupad na

Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ng kanilang bawas presyo ang ilang kumpanya ng langis.

Magpapatupad ng P0.50 rollback sa presyo ng kada-litro ng gasolina ang Flying V, Seaoil at Shell.

Aabot naman sa P0.40 ang tapyas sa diesel habang P0.85 sa kerosene.


Epektibo ang bawas-presyo ng Fying V at Seaoil simula alas 12:01 ng madaling araw bukas habang alas sais naman ng umaga ang Shell.

Facebook Comments