Good news sa mga motorista…..
Inaasahan na magpapatupad ng bawas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at Auto-LPG ang mga kompanya ng langis, bukas, unang araw ng Oktubre.
Batay sa pagtataya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), aabot sa tatlong piso ang posibleng bawas presyo sa kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng 33-pesos na bawas presyo sa kada 11-kilograms na tangke ng LPG.
Mahigit piso naman ang rollback sa kada litro ng Auto-LPG.
Ngayon araw, inaasahang iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang pinal na halaga sa bawas presyo sa LPG at Auto-LPG
Bukod dito, posible ring bumaba ang presyo ng iba pang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa DOE-OIMB, nasa mahigit piso ang asahan na rollback sa kada litro ng Kerosene habang hindi naman hihigit sa piso ang bawas presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.
Ang oil price adjustment ay kadalasang ipinapatupad ng mga kompanya ng langis tuwing araw ng Martes.