Inaasahang makapagbibigay ng kaunting ginhawa sa mga pamilyang Pangasinense at maliliit na negosyong gumagamit ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang bawas-presyong ipinatupad ng ilang kumpanya ngayong Nobyembre 12, 2026.
Aabot sa ₱44 ang ibinawas sa bawat 11-kilogram na tangke ng Petron Gasul at Fiesta Gas.
Gayundin, nagpatupad ang Solane ng ₱4 na bawas-presyo kada kilo, katumbas ng ₱44 sa bawat 11-kilogram na tangke.
Samantala, nakatakdang magpatupad ang Regasco ng ₱22 na bawas-presyo sa parehong sukat ng tangke bukas, Nobyembre 13.
Inaasahang makatutulong ito sa mga kabahayan, karinderya at maliliit na kainan sa Dagupan City at iba pang bahagi ng Pangasinan na umaasa sa LPG sa kanilang pang-araw-araw na pagluluto.
Gayunman, maaaring magkaiba ang aktuwal na presyo depende sa brand at lokal na dealer.
Samantala, ayon sa Department of Energy, tinatayang sapat pa sa 29.84 araw ang imbentaryo ng LPG sa bansa batay sa datos noong Nobyembre 6. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








