Bawas-presyo sa Noche Buena products, asahan – DTI

Magpapatupad ng tapyas-presyo ang mga manufacturer sa kanilang Noche Buena products.

Nabatid na humiling ang mga manufacturers ng isa hanggang tatlong porsentong dagdag presyo sa kanilang mga produkto bunga ng mataas na production costs.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, ang lahat ng Noche Buena products maliban sa isang fruit cocktail brand ay tumalima sa kanilang panawagan na panatilihin ang status quo sa kanilang Suggested Retail Prices (SRP) ngayong Pasko.


Sinabi ni Castelo na sinisikap nilang kumbinsihin ang isang cocktail manufacturer na huwag ituloy ang nakatakdang pagtataas ng kanilang presyo.

Ang mga Noche Buena products ay ham, fruit cocktail, keso, sandwich spread, mayonnaise at keso de bola.

Kasama rin dito ang spaghetti, macaroni spaghetti sauce, tomato sauce at creamer.

Nitong Biyernes, inanunsyo ni DTI Secretary Ramon Lopez na walang mangyayaring taas-presyo sa ilang Noche Buena products kabilang ang ilang manufacturers ng hamon.

Facebook Comments