
Inaasahang bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), may inaasahang rollback sa presyuhan batay sa tatlong araw na Mean of Platts Singapore (MOPS) trading.
Tinatayang bababa ng humigit-kumulang P0.50 kada litro ang gasolina, P0.15 naman sa diesel, at P0.20 sa kerosene.
Ipinaliwanag ng DOE-OIMB na ang mga pagtatayang ito ay hindi pa kabilang ang operating costs ng mga kompanya ng langis at iba pang premium.
Iniuugnay ang inaasahang bawas-presyo sa pagluwag ng mga geopolitical risk, inaasahang global oversupply ng langis, mahinang demand mula sa malalaking consumer tulad ng China, at sa mga polisiya at market balance ng OPEC+.
Kung maisasakatuparan, makatutulong ang rollback na ito sa mga drayber ng pampublikong sasakyan, pribadong motorista, at mga negosyong umaasa sa fuel consumption sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.








