Bawas-presyo sa produktong petrolyo, bubungad sa mga motorista bukas

Bababa ang presyo ng produktong petrolyo simula bukas, April 25.

Sa anunsyo ng kumpanyang Pilipinas Shell at Seaoil, mayroong ₱1.40 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang bababa ng ₱0.70 ang kada litro ng diesel at ₱0.20 naman sa kerosene.


Ipatutupad ng mga nabanggit na kumpanya ang rollback bukas, alas sais ng umaga habang asahan ang anunsyo ng mga natitirang oil companies ngayong araw.

Facebook Comments