Bawas-presyo sa produktong petrolyo, bubungad sa mga motorista sa Martes

Magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa final estimates ng mga taga-industriya ng langis, maglalaro sa ₱1.50 hanggang ₱1.80 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Nasa ₱0.80 hanggang ₱1.00 ang ibabawas sa kada litro ng diesel at ₱0.20 hanggang ₱0.40 naman ang ibababa sa kada litro ng kerosene.


Ilalabas naman ang official price adjustment ng mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Lunes, April 24.

Facebook Comments