Bawas presyo sa produktong petrolyo, pamasko ng mga oil companies

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis.

Ang Petron, Caltex at Eastern Petroleum ay may P1 bawas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Magpapatupad naman ang Petron at Caltex ng P1 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.


Magiging epektibo ang mga bagong presyo ng Petron sa alas-6 ng umaga habang kaninang hatinggabi ipinatupad ng Eastern Petroleum at Caltex ang bawas-presyo.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Shell at Petro Gazz ng P1 bawas-presyo ng kanilang mga produkto na epektibo rin sa Martes.

Facebook Comments