BAWAS SA BAYARING KURYENTE NGPINAKAMAHIHIRAP NA MGA PAMILYANG DAGUPENYO, TINALAKAY SA ISINAGAWANGPAGPUPULONG NG LGU AT NG DECORP

Dahil sa layuning matulungan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang nasasakupan nitong mga residenteng lubhang nahihirapan sa kanilang buhay ay kanilang tinalakay ang mahalagang usapin ukol sa diskwento sa singil ng kuryente ng mga ito.
Sa isinagawang pulong, napag-usapan ng LGU kasama ang City Social Welfare and Development Office at Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang ukol sa usapin at update sa pagpapatupad ng ‘Lifeline Rate’ na base sa R.A. No. 11552 kung saan ito ay magbibigay ng diskwento sa singil sa konsumo sa kuryente para sa mga mahihirap na residente ng lungsod.
Ang naturang tulong ay nakalaan para sa mga kabilang sa low-income end users sa ilalim ng subsidized electricity bill coverage kung saan ito base rin sa programa ng Department of Energy (DOE) at ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon din sa naging pag-uusap, hanggang isang daang porsyentong diskwento ang maaaring matanggap ng isang benipisyaryo o isang kwalipikadong marginalized end-users na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Base sa lifeline rate ng Decorp, kung 0-20kwh nakonsumo makukuha ang 100% na discount kada buwan, 21-30kWh = 50%, 31-40 kWh = 20%, at kung nasa 41-50 kWh ang nakokonsumo maaaring makuha ang 5% na diskwento.
Dumalo sa pagpupulong Dagupan City Mayor Belen Fernandez City Legal Officer Atty. Aurora Valle, mga kinatawan mula sa Dagupan Electric Corporation (DECORP). |ifmnews
Facebook Comments