BAWAS-SINGIL | DICT, inatasan ang mga telecom companies na bawasan ang kanilang interconnection charge

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa telecommunication companies sa bansa na bawasan ang singil sa inter-connection charge o ang bayad sa pagte-text o tawag sa ibang network.

Ayon kay National Telecommunication Commission (NTC) Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, isa sa magandang bunga ng pagpapababa ng inter-connection charge ay ang pagpasok ng ibang telco sa industriya.

Sa huling tala ng DICT, 20 porsyento ng text messages at tawag kada araw ay cross network.


Sa ngayon 15 centavos ang singil sa text messages habang P2.50 sa tawag kada minuto.

Sa pahayag naman ng Globe telecom, sinabi nilang hinihintay pa nila kung paano aaksyunan ng NTC ang kautusan ng DICT.

Pinag-aaralan naman ng Smart ang kautusan ng DICT bago maglabas ng posisyon hinggil rito.

Facebook Comments