Manila, Philippines – Pinalalagay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga resibo ng mga Transport Network Companies (TNC) ang break down ng sinisingil nilang pamasahe.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, dapat nasa e-receipt ng mga TNC ang base fare, per kilometer charge, per minute, price surge, discount para sa estudyante, senior citizen at mga person with disability at promo code.
Sabi pa ni Lizada, nasa proseso na ang ibang TNC sa pagpa-finalize ng e-receipt.
Tiniyak naman ni Grab Public Affairs Head Leo Gonzales, handa silang tumalima rito.
Pero dapat aniya ay magkaroon ng Technical Worker Group ang lahat ng TNC mapag-usapan ito.
Samantala, ilulunsad na sa Biyernes, Mayo 18 ang Owto app na tiniyak na susunod sa e-receipt na iniutos ng LTFRB.