Asahan na ang bahagyang bawas-singil ng kuryente ngayong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, bukas ay i-a-anunsiyo nila ang September rates.
Sakaling bumaba, ito na ang ikalimang buwang may tuluy-tuloy na bawas-singil ang Meralco.
Kasabay nito, tiniyak ni Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Rexie Baldo-Digal na itutuloy nila ang pag-audit sa Meralco matapos tumanggi ang Commission on Audit (COA).
Matatandaang Hulyo nang humingi ng tulong ang ERC sa COA na i-audit ang mga refund ng Meralco, na umaabot ng lagpas ₱60 bilyon.
Halos ₱20 bilyon pa ang kailangang i-refund ng Meralco sa mga kostumer na iniutos ng korte.
Facebook Comments