Batay sa abiso ng kooperatiba, magiging Php 12.8848/kW ang singil sa residential na dati 13.1284 pesos ang kada kilowatt-hour.
Sa Low Voltage, magiging Php 12.0095/kWh ang singil kada kilowatt-hour matapos bumaba sa Php 0.2436/kWh) at Php 10.5465/kWh sa High Voltage matapos matapyasan ng Php 0.1763/kWh.
Paliwanag ng ISELCO 1, ang pagbaba ng taripa sa kuryente ngayong buwan ay dahil sa bumaba ang singil sa Generation Rate and Transmission Rate.
Samantala, bahagyang bumaba rin ang power rate na ipinatupad ngayong buwan ng Hunyo 2022 ng ISELCO 2 mula sa 15.3476/kwh noong Mayo ay bumaba sa 14.6680/kwh para sa residential consumers.
Mula naman sa 14.1573/kwh ay bumaba ito ngayong buwan sa 13.4777/kwh para sa low voltage consumers habang ang singil sa high voltage consumers ay bumaba ngayong buwan mula 12.3780/kwh sa 11.7393/kwh.
Hinikayat naman ng kooperatiba ang lahat na maging masinop sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ang pagtaas ng power bill lalo na ngayong tag-init.