Bawas-singil sa kuryente sa mga customers ng MERALCO, epektibo ngayong buwan

Manila, Philippines – Epektibo ngayong Hunyo ang higit pisong bawas-singil kada kilowatt hour na konsumo sa kuryente at unang installment ng refund ng Manila Electric Company (MERALCO).

Ayon kay MERALCO utility economic head Larry Fernandez – nasa P1.43 per kwh ang ipatutupad na bawas-singil kasama na ang unang installment ng refund para sa over recovery o sobrang nasingil ng MERALCO mula 2014 hanggang 2016.

Ibi sabihin, aabot sa P285 ang mababawas sa electric bill ng mga kumukonsumo ng 200 kwh, p428 kung 300 kwh, P570 kung umabot ng 400 kwh at P713 sa mga kumukonsumo ng 500 kwh.


Nabatid na P6.9 billion ang kabuuang ire-refund ng MERALCO na ibabawas mula hunyo hanggang agosto.

Mayo nang aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang petition for refund ng MERALCO.

Bukod sa generation charge, bumaba rin maging ang transmission charge, taxes at iba pang charges sa electric bill.
DZXL558

Facebook Comments