Tuesday, April 14, 2026

Bawas-taripa sa imported na pagkain, iniutos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture at Tariff Commission na ibaba ang taripa sa mga inaangkat na pagkain upang makatulong sa pagpapababa ng presyo nito sa merkado.

Ayon sa Pangulo, layon nitong maprotektahan pa rin ang lokal na produksyon, kabilang ang kapakanan ng mga magsasaka at ng buong sektor ng agrikultura.

Pinabibilisan din ng Pangulo ang pagproseso ng mga permit sa pag-aangkat ng pagkain, habang babawasan naman ang mga bayarin sa fish ports at logistics.

Para naman sa mga magsasaka, bibilhin ng pamahalaan ang sobrang ani upang maiwasan ang pagkalugi at pag-aaksaya.

Dagdag pa rito, ibinaba sa piso ang terminal fee para sa mga sasakyang nagdadala ng produktong agrikultura at pinalawak ang programang Benteng Bigas, sa pamamagitan ng pagdami ng mga tindahan at mas mahabang oras ng bentahan.

Facebook Comments