BAWAS TRAFFIC | P2P bus, pinalawak ng DOTr

Manila, Philippines – Pinalawak ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ruta sa ilalim ng Point-to-Point (P2P) bus.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Road Transport Tim Orbos – 22 ruta ang balak buksan para maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila.

Kabilang sa inaasahang ruta ang mga byahe mula Pasig patungong Makati, Malolos patungong North Edsa, NAIA hanggang Cubao at Clark, Pampanga hanggang Tarlac.


Inaasahang aabot sa 200,000 hanggang 300,000 karagdagang pasahero ang posibleng mabenepisyuhan ng mga bagong P2P route.

Malaki ang matutulong nito sa mga pasahero ng MRT-3 sa sandaling masimulan ang rehabilitasyon nito.

Facebook Comments