Naniniwala si Makati City Mayor Abby Binay na malaking tulong upang maibsan ang nararanasang matinding sa trapiko sa Makati panukalang Intracity Subway na proyekto ng Public Private Partnership na sisimulan ang paggawa bago mag December taong ito.
Sa ginanap forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Mayor Binay na ang naturang proyekto ay may halagang 3.7 billion US dollars na hindi babayaran ng Makati City Government at magdudugtong sa kasalukuyang Central Business District sa kahabaan ng Ayala Avenue, Makati City Hall, Poblacion Heitage Site, University of Makati at iba pang mga bagong district sa lungsod.
Paliwanag ni Binay malaking kaluwagan sa daloy ng trapiko at kaginhawaan sa mga motorista kapag naisakatuparan ang naturang proyekto dahil ang subway ay kayang i-accommodate ng anim na car trains, 10 air-conditioned at mayroong room na kayang sumakay ng mahigit 208 katao bawat car train at mahigit 700 pasahero bawat araw ang kayang i-accommodate ng mass transport system.
Dagdag pa ni Binay na hinihikayat ng alkalde ang mga pribadong kumpanya na makipagtulungan sa Makati City Government hindi lamang sa pagnenegosyo kundi sa pamamahala upang mapaganda ang lungsod.
Giit ng alkalde na sa pamamagitan ng naturang subway ay makalilikha ng mahigit anim na libong trabaho sa bawat construction at operasyon at inaasahang dadagdagan ang kita ng Makati City Government.