BAWAS TRAPIKO | Atty. Macalintal: 4-day work week, dapat nang subukang ipatupad sa Metro Manila

Manila, Philippines – Dapat nang subukan ng gobyerno na ipatupad ang four-day work week sa Metro Manila.

Ito ang suhestyon ni Atty. Romulo Macalintal para maibsan ang problema sa trapiko sa Kamaynilaan

Ayon kay Macalital, hindi ito permanenteng solusyon pero maaring makatulong ito habang naghahanap ng paraan ang gobyerno na maresobla ang lumalalang trapiko.


Aniya, ikasa ang four-day work week sa loob ng isang buwan at tingnan kung ito ay uubra.

Maaaring i-adjust sa 10 oras ang trabaho ng mga manggagawa bawat araw para makumpleto pa rin ang 40 oras ng trabaho sa isang linggo.

Inihalimbawa pa ni Macalintal ang Kamara at Senado na nagpapatupad ng four-day work week.

Sa ilalim pa ng panukala, magdedeklara ng special holiday sa mga sumusunod na lungsod:

Lunes – walang pasok sa Manila, Taguig at Valenzuela
Martes – Quezon City, Pateros, Caloocan
Miyerkules – Muntinlupa, Makati at Pasig
Huwebes – Malabon, Marikina at San Juan
Biyernes – Pasay, Parañaque, Navotas at Las Piñas

Ayon kay Macalintal, kung tatlong lungsod ang walang pasok sa isang partikular na araw, katumbas nito ang higit 16,000 sasakyan na mawawala sa lungsod o halos 50,000 sasakyan ang mawawala sa EDSA.

Sa Metro Manila, ang total labor force ay aabot sa limang milyon o higit 300,000 manggagawa bawat lungsod.

Facebook Comments