BAWAS TRAPIKO | Groundbreaking at konstruksyon ng Metro Manila subway, uumpisahan na

Manila, Philippines – Masisimulan na bago mag-Disyembre ang groundbreaking at konstruksyon ng Mega Manila Subway.

Ito ay 25.3 kilometer underground railway mula Mindanao Avenue, Quezon City hanggang Arca South, Taguig City at NAIA sa Pasay City.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade – umayon ang lahat ng mga partido na umpisahan agad ang proyekto.


Pero aminado ang kalihim na wala pang terms of reference para sa subway project.

Kasama na rin aniya sa uumpisahan ng konstruksyon ang pagpapatayo ng railway institute at depot sa Valenzuela City.

Inaasahang malaking tulong ang subway para maibsan ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments