Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong taon ang konstruksyon ng 355.6 billion pesos mega Manila subway project.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, target nilang maging ‘operational’ ang tatlong istasyon ng subway bago matapos ang taong 2022.
Ang proyekto ay magsisimula sa Mindanao Avenue, Quezon City papunta ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.
Mayroon itong 14 na istasyon na inaasahang makapagsasakay ng daan-daang libong pasahero at makaluluwag ng trapiko sa Metro Manila.
Facebook Comments