BAWAS TRAPIKO | Mga bumibiyaheng sasakyang tanging driver lang ang laman, pagbabawalan nang dumaan sa Edsa

Manila, Philippines – Ipatutupad ngayong buwan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal na dumaan sa Esda tuwing rush hour ng mga driver-only private vehicle.

Ito ay makaraan aprubahan ito ng mga Metro Manila mayors.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang buong lanes ng Edsa ay ilalaan lamang sa mga High-Occupancy Vehicles (HOV).


Batay sa pag-aaral ng MMDA, 70 percent ng mga sasakyang nasa Edsa tuwing rush hour ay driver lang ang nakasakay.

Balak naman ng MMDA na gawing non-contact ang panghuhuli sa mga lalabag sa polisiyang ito para hindi makadagdag abala sa trapiko.

Dagdag pa ni Garcia, kasama rin sa pagbabawalan sa Edsa ang mga Transport Network Vehicles o TNVS na walang pasahero.

Magsasagawa naman muna aniya sila ng dry run para rito para makagawa pa sila ng adjustment kung kinakailangan.

Facebook Comments