BAWAS TRAPIKO | Modernisasyon ng transportasyon makababawas ng matinding trapiko

Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas o LTOP na malaki ang maitutulong ng transport modernization upang maibsan ang matinding nararanasang trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez humiling ang kanilang grupo sa LTO upang magkaroon ng presentasyon ng mga makabagong pampublikong sasakyan sa bansa kung saan nanawagan sila sa mga operator ng transport group na makiisa sa isinagawang exhibit sa LTO Compound ng mga modernong pampublikong sasakyan.

Paliwanag ni Marquez kailangan ng publiko ang mass transport system upang ang mga may sariling sasakyan ay kanila nang iiwanan sa mga parking station at sumakay ng makabagong sasakyan na regular ang pamasahe at hindi deregulated dahil ang minimum na pamasahe lamang ng air conditioning na modernong sasakyan ay 12 pesos lamang.


Dagdag pa ni Marquez na ang mga pasahero ang bumubuhay ng ekonomiya ng bansa kaya dapat aniya bigyan ng prayoridad ang mga ito na mabigyan ng komportableng sasakyan.
Giit pa ng presidente ng LTOP na 24 taon na niyang pinag aaralan ang transport modernisasyon at malaki aniyang makatitipid ang gobyerno kung saan ay mababawasan na ang trapiko kapag gumamit ng makabagong sasakyan dahil iiwan na ng mga may-ari ng mga sasakyan at sasakay na ang mga ito ng bago at modernong sasakyan.

Facebook Comments