BAWAS-TRAPIKO | ‘No parking, no car’, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ni Senador Win Gatchalian ang no parking no car para mabawasan ang problema sa trapiko.

Ayon kay Gathcalian, sa ilalim ng kaniyang Senate Bill No. 201, kailangang magpakita ng proof of parking space bago mabigyan ng rehistro ang may-ari ng sasakyan.

Aniya, layon rin nitong ipabatid ang responsableng nagmamay-ari ng sasakyan at maibsan ang trapiko.


Maliban rito, layunin rin ng panukala na mabigyan ng daan ang mga emergency vehicle.

Nakapaloob rin rito na kailangang magpakita ng affidavit ang mga bibili ng second hand na sasakyan na nagsasabing mayroon siyang garahe para rito.

Inaatasan din ng panukala ang LTO, MMDA at Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng mga regular na inspeksyon sa mga lugar at magsagawa rin ng clearing operations para masugpo ang illegal parking.

Facebook Comments