Valenzuela City – Ipapatupad na rin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang “number coding scheme” sa lahat ng kanilang pangunahing kalsada mula sa buwan ng Setyembre upang masolusyunan ang lumalalang trapiko.
Sinabing hindi na kaya ng mga kalsada sa lungsod ang paglobo ng dami ng mga sasakyan na nagreresulta ng matinding pagbubuhol ng trapiko.
Uumpisahan ang number coding sa Setyembre 3 kung saan isinunod ng Valenzuela ang scheme sa ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Hindi naman sakop ng number coding ang mga delivery trucks na nasa ilalim naman ng hiwalay na ‘truck ban’ na ipinatutupad sa lungsod.
Facebook Comments